WATCH: Aberya sa VCMs noong May 9 elections, itinuro sa kalumaan
Higit isang dekada na ang ilan sa mga ginamit na vote counting machine (VCM) noong nakaraang eleksyon kaya’t maraming napaulat na aberya ang nangyari.
Ito ang sinabi ni Sen. Imee Marcos matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Electoral Reforms kaugnay sa naganap na eleksyon.
Ibinahagi ni Marcos na ilan sa 97,000 VCMs ay inupahan simula pa noong 2009 at aniya, batid namang kailangan ang pondo para sa mga bagong makina.
Kasabay nito, ipinahiwatig ng senadora na kailangan na ring pag-aralan ang kontrata sa Smartmatic at tumingin ng ibang opsyon.
Aniya, dapat ay hindi nadedehado ang gobyerno sa mga kontrata.
Narito ang pahayag ni Marcos:
WATCH: @SenImeeMarcos: “We need other options other than Smartmatic on automated elections.” | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/CwXBoGaRA1
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 31, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.