Pangulong Duterte, excited umuwi sa Davao City pagkatapos ng termino
Excited na si Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi sa Davao City oras na matapos ang kanyang termino sa June 30.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, nais ng Panngulo na magkaroon ng sapat na oras kasama ang kanyang pamilya at mga apo.
Sinabi pa ni Andanar na ‘upbeat’ ang mood ni Pangulong Duterte nang magbigay ng isang thanksgiving dinner para sa mga miyembro ng Gabinete.
“The President was upbeat last night. He expressed gratitude to past and present Cabinet officials for helping him run the country, and he looks forward to his retirement in Davao City and spending more time with family and his grandchildren,” pahayag ni Andanar.
Sinabi naman ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na kuntento naman si Pangulong Duterte sa kanyang anim na panunungkulan.
“Nagpasalamat na lang talaga. And during the Cabinet meeting I repeatedly heard him saying na, ‘Hindi ako nagkamali sa mga pinili ko na miyembro ng Gabinete na ginawa talaga iyong trabaho.’ So we are happy, all of us are happy na naging parte tayo ng journey ng ating Pangulong Duterte at nakapag-contribute lahat ng maganda. Marami doon sa mga Cabinet secretaries will graduate with honors at marami talagang nagawa,” pahayag ni Matibag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.