Incoming DSWD Sec. Tulfo, prayoridad na gawing digitalized ang pagbibigay ng ayuda

Photo credit: Erwin Tulfo/Facebook

Bibigyang prayoridad ni incoming Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na gawing digitalized na ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng kagawaran.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Tulfo na ito ay base na rin sa paunang direktiba ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Paliwanag ni Tulfo, mapapadali ang pagbibigay ng ayuda kapag naging digital na ang proseso.

Pinalilinis din aniya ng incoming president ang listahan ng mga makatatanggap ng ayuda mula sa DSWD.

Kailangan aniyang ikumpara ang listahan ng barangay at local government units sa listahan ng DSWD.

Kasabay nito, sinabi ni Tulfo na magtatayo rin siya ng hotline para may matawagan ang mga magrereklamo.

Read more...