Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Spikevax, ang COVID-19 vaccine ng Moderna, para maiturok sa mga batang edad 6 hanggang 11.
Nirebisa ng FDA ang emergency use authorization (EUA) na inihain ng Zuellig Pharma Corp., para sa inaprubahang pag-amyenda.
Paliwanag ng ahensiya, ikinunsidera sa hakbang ng National Regulatory Authorities (NRA) ng Canada, European Economic Area, Australia, Peru, Vietnam at iba pang bansa, para maiturok ang nabanggit na bakuna sa mga batang mamamayan.
Ito na ang pang-anim na pag-amyenda ng FDA sa EUA ng Moderna vaccine.
Ikinalugod naman ng Zuellig Pharma ang desisyon ng FDA dahil madadagdagan ang bakuna na maaring gamitin sa pediatric vaccination.
MOST READ
LATEST STORIES