Moderna COVID-19 vaccine aprub na sa 5 – 11 anyos

By Jan Escosio May 31, 2022 - 12:26 PM

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Spikevax, ang COVID-19 vaccine ng Moderna, para maiturok sa mga batang edad 6 hanggang 11.

Nirebisa ng FDA ang emergency use authorization (EUA) na inihain ng Zuellig Pharma Corp., para sa inaprubahang pag-amyenda.

Paliwanag ng ahensiya, ikinunsidera sa hakbang ng National Regulatory Authorities (NRA) ng Canada, European Economic Area, Australia, Peru, Vietnam at iba pang bansa, para  maiturok ang nabanggit na bakuna sa mga batang mamamayan.

Ito na ang pang-anim na pag-amyenda ng FDA sa EUA ng Moderna vaccine.

Ikinalugod naman ng Zuellig Pharma ang desisyon ng FDA dahil madadagdagan ang bakuna na maaring gamitin sa pediatric vaccination.

TAGS: COVID-19, Food and Drug Administration, moderna, news, Radyo Inquirer, vaccines, COVID-19, Food and Drug Administration, moderna, news, Radyo Inquirer, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.