Manila Dolomite Beach, bubuksan sa publiko sa June 12

By Chona Yu May 31, 2022 - 12:22 PM

Bubuksang muli sa publiko ang Manila Bay Dolomite beach sa june 12.

Ayon kay Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim Sampulna, isasabay ang pagbubukas sa pagdiriwang ng Independence Day.

Matatandaang bubuksan n asana ng DENR ang Doomite Beach sa buwan ng Mayo sibalit ipinagpaliban ito dahil may mga imprastraktura pa na kailangang tapusin sa lugar.

“We are excited to open the dolomite beach to the public again on June 12. This is the good legacy of the Duterte administration, that’s why we really aim to open it before President Rodrigo Roa Duterte’s term ends,” pahayag ni Sampulna.

Sinabi naman ni  DENR Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Jonas Leones, dumaan na ang 500-meter beach nourishment project, na sinimulan noong 2020, sa ulan, bagyo at baha ngunit matatag pa rin ito.

“This proves that the dolomite beach, thanks to the assistance of the Department of Public Works and Highways and the other agencies, is stable and will prevail,” pahayag ni Leones.

Sinabi din ni Leones na kasabay ng pagbubukas ng dolomite beach sa tabi ng US Embassy sa Maynila ang pagpapasinaya ng World War II Heritage Cannon sa Remedios area “to encourage patriotism among the public and to signify that the battle to cleanup Manila Bay is not yet over.”

Ang Heritage Cannon ay isa sa mga orihinal na kanyon noong World War II mula sa Fort Drum Island na matatagpuan sa may bukana ng Manila Bay.

Matapos ang kasalukuyang administrasyon, ang Manila Bay Dolomite Beach, ayon kay Leones, ay mananatiling bahagi ng rehabilitation approach sa paglilinis ng Manila Bay ayon sa writ of continuing mandamus mula sa Supreme Court noong 2008.

Samantala, nilinaw ni Manila Bay Coordinating Office Executive Director Jacob F. Meimban na ang muling pagbubukas ng beach ay para lamang sa pagpasyal, paglalakad at panonood ng sunset at hindi para sa paglalangoy sa kadahilanang ang water quality ay wala pa sa 100 most probable number per 100 milliliters (MPN/100mL) na standard fecal coliform level.

Positibo rin si Meimban na ang water quality ay tuluyan pang magiging maayos bago matapos ang taong ito kung saan ang isang istasyon sa dolomite beach ay mayroon na lamang 920 MPN/100mL coliform level nitong Mayo 13.

Bago simulan ang ‘rehabilitation efforts,’ ang tubig malapit sa Manila Baywalk ay nakapagtala ng average coliform level na 5.75 million MPN/100mL, base na rin sa datos ng MBCO noong 2019.

Kapag muli nang nabuksan, papayagan ng DENR ang 1,500 hanggang 3,500 katao at any given time sa kahabaan ng 500-meter dolomite beach upang matiyak na masusunod ang minimum health protocols.

Dagdag din ni Meimban na ang online pre-registration ay hindi na kailangan sa ilalim ng Alert Level 1 ngunit hinihikayat ang mga pupunta sa dolomite beach na maging fully vaccinated

 

TAGS: Acting Secretary Jim Sampulna, DENR, Jonas Leones, Manila Bay Dolomite Beach, news, Radyo Inquirer, Acting Secretary Jim Sampulna, DENR, Jonas Leones, Manila Bay Dolomite Beach, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.