Naaprubahan na third and final reading ang panukala para sa pagdoble sa sa buwanang social pension ng mga mahihirapa na senior citizen sa bansa.
Ang lahat ng 18 senador na nasa Session Hall ay bumoto pabor sa Senate Bill No. 2506.
Sinabi ni Sen. Joel Villanueva, ang sponsor ng panukala, hindi sapat ang kasalukuyang P500 na natatanggap ng mga indigent senior citizens para sa kanilang mga pangangailangan, lalo na para sa kanilang mga gamot.
Nakasaad din sa panukala na ang pamamahagi ng pension allowance ay gagawin na ng National Commission of Senior Citizens mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang bersyon ng Mababang Kapulungan ng panukala ay naipasa na noong nakaraang Agosto sa pamamagitan ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes.