Sen. Cynthia Villar pinuna ang DA sa planong pag-angkat uli ng galunggong
Binatikos muli ni Senator Cynthia Villar si Agriculture Secretary William Dar kaugnay sa balak na pag-angkay ng ibat-ibang uri ng maliliit na isda.
Sinabi ni Villar na inaprubahan ni Dar ang pag-angkat ng 38,695 metriko tonelada ng galunggong, sardinas at mackerel na ipagbibili sa mga palengke sa bansa.
Katuwiran aniya ng kalihim kinakailangan ang importasyon para maging stable ang suplay at presyo.
Puna ni Villar, hindi sinangguli sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) ang importasyon alinsunod sa RA 8850.
Aniya ang aangkatin na isa ay bahagi ng unang inaprubahan na 60,000 metriko tonelada na hindi naman dumating sa itinakdang panahon.
Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, nabigo ang DA na mapababa ang presyo ng mga isda sa mga pamilihan sa kabila nang inaprubahan importasyon.
Una nang ibinunyag ni Sen. Imee Marcos ang ginawa ni Dar at itinuring niya itong panibagong ‘midnight deal’ sa kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.