Pangulong Duterte nagsagawa ng Thanksgiving Dinner para sa gabinete

(Screengrab from Facebook post of CHED chair Popoy de Vera)

Nagsagawa ng isang Thanksgiving Dinner  si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang mga miyembro ng gabinete.

Ginawa ang Thanksgiving Dinner sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, pasasalamat ito ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete na nagserbisyo sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Base sa mga Facebook post ni Commission on Higher Education chairman Popoy de Vera, kasama sa thanksgiving dinner ang asawa ng mga gabinete.

Kinanta rin ng Pangulo ang paboritong awitin na “Ikaw.”

Matatandaang nagsagawa rin kagabi ang Pangulo ng full cabinet meeting sa Palasyo.

Ito na ang huling full cabinet meeting ni Pangulo bago bumaba sa puwesto sa June 30.

 

Read more...