Kaso ng COVID-19 sa mundo, lagpas 531-M na

By Angellic Jordan May 30, 2022 - 07:32 PM

Reuters photo

Patuloy pa ring nakakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 531,758,171 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 85,716,214 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,155,749 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,953,579 naman ang kaso sa Brazil habang 29,479,438 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,286,888
– United Kingdom – 22,277,696
– Russia – 18,327,837
– South Korea – 18,086,462
– Italy – 17,388,877
– Turkey – 15,070,864
– Spain – 12,326,264

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,311,121 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 502,680,048 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.