LPA sa bahagi ng Mindanao, malabo pang maging bagyo
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, huling namataan ang LPA sa layong 130 kilometers Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Maliit pa rin aniya ang tsansa na maging bagyo ang naturang sama ng panahon.
Kikilos aniya ang LPA pa-Hilaga papalapit sa Eastern Visayas at posibleng makaapekto sa bahagi ng Bicol region sa Martes, Mayo 31.
Samantala, mahina aniya ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Habagat kung kaya’t hindi nakakaapekto sa anumang parte ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.