Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan May 30, 2022 - 01:29 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

May ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Mayo 31.

Sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, PetroGazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may rollback na P1.70 sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon naman ng dagdag na P1.20 sa kada litro ng diesel.

Panibagong P2.45 na taas muli ang ipatutupad sa kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Mayo 31).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, diesel price, gasoline price, InquirerNews, kerosene price, oil price hike, oil price rollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, diesel price, gasoline price, InquirerNews, kerosene price, oil price hike, oil price rollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.