Sen.Migz Zubiri: Hayaan ang BBM-administration na magtalaga ng nominees
Muling naudlot ang deliberasyon sa Commission on Appointments (CA) sa ilang mga opisyal na itinalaga ni Pangulong Duterte.
Ipinagpaliban ni Sen. Cynthia Villar ang deliberasyon base sa mosyon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Binanggit ni Zubiri ang Section 20 ng CA Rules kung saan nakasaad na maaring hilingin ng miyembro ang suspensyon ng namumuno ang anuman aksyon ukol sa nominasyon at appointment.
Kasabay nito, sinabi din ni Zubiri na makakabuti kung bibigyang laya ang papasok na administrasyong-BBM sa pagtatalaga ng mga nais nilang mamuno sa Constitutional Commissions and Offices.
Ito aniya para hindi mapagkaitan ang papasok na pangulo ng bansa nang makapamili ng kanyang mga opisyal.
Sa Miyerkules malalaman na ang kahihitnan nina Commission on Audit Chair Rizalina Justol, Civil Service Commission Chair Karlo Nograles, Comelec Chair Saidamen Pangarungan at Comelec Comms. George Garcia at Aimee Torrefranca – Neri.
Ang termino nina Justol, Nograles at Pangarungan sakaling makalusot sila sa CA ay hanggang Pebrero, 2029.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.