DOH: Higit 70M Filipino na ang fully vaccinated

By Jan Escosio May 30, 2022 - 10:15 AM

Hanggang noong nakaraang Sabado, higit sa 70.79 milyon na ang fully vaccinated sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Target ng gobyerno na mabigyan ng primary doses ang 77 milyon katao sa Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng kalahati ng taon.

Nabatid na sa 70,790,342 fully vaccinated sa bansa, 2.9 milyon ay healtcare workers, 7.9 milyon ang nakakatandang populasyon at 9.6 milyon naman ang may comorbidities.

Sa naturang bilang din, 19.5 milyon ang manggagawa at 9.2 milyon ang mula sa mahihirap na pamilya at ang 21.3 naman ay nasa ‘general population category.’

Base sa datos, sa Metro Manila may pinakamaraming ‘fully vaccinated’ sa bilang na 9.6 milyon, 6.7 milyon naman sa Calabarzon at 5.4 milyon sa Central Luzon.

Sa ngayon, ikinakasa na ang pagbibigay ng second booster shot sa mga ‘eligible’ tulad ng healthcare workers, senior citizens at immunocompromised individuals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.