DepEd natuwa sa P2,000 dagdag ‘poll duty pay’ sa mga guro

Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagbibigay ng karagdagang bayad sa mga guro na nag-overtime noong nakalipas na araw ng botohan.

Una nang nakipag-ugnayan sina Sec. Leonor Briones at Election Task Force chairman, Usec. Alain Pascua sa Comelec para sa karagdagang kompensasyon sa mga guro na nag-trabaho ng lagpas sa alas-7 ng gabi noong Mayo 9.

Una nang hiniling na P3,000 ang ibigay na dagdag bayad sa mga nag-overtime na mga guro.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng Comelec ang pagbibigay ng dagdag-bayad sa mga guro na naapektuhan ng ibat-ibang aberya sa paggamit ng vote counting machines (VCMs) at SD cards.

Sinabi na maaring P20 milyon ang ilalabas pa ng Comelec.

Read more...