Diumano ang kinikilalang STL operator sa lungsod ay ‘dummy’ lamang at ipinapagamit ang kanyang lisensiya na inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na ipinagbabawal ang subcontracting.
Duda ang Globaltech na maaring ‘fixed bidding’ ang nangyari para sa pribelihiyong makapag-operate ng STL sa lungsod.
Bukod dito, may impormasyon na diumanoy ilang buwan nang hindi nakakabayd ang operator sa PCSO at nagtataka ang ilang lokal na opisyal sa patuloy na operasyon ng STL.
Kinukumpirma pa naman ang impormasyon na kaanak ng isang mataas na opsiyal ng PCSO ang STL operator sa lungsod.
Kaugnay nito, tila naman nakaposas ang mga kamay ng mga awtoridad sa pagsugpo sa ilegal na sugal sa ikalawang distrito ng Quezon City, sa kadahilanan gumagamit ng lehitimong ID at uniporme ang mga nangangasiwa sa ilegal na aktibidad.
Ito ay sa kabila na rin ng mahigpit na kautusan ni Quezon City Police District (QCPD) director, Brig. Gen. Remus Medina na supilin ang lahat ng uri ng mga ilegal na sugal sa lungsod.