Pitong mangingisda ang naiulat na nawawala matapos bumangga ang sinasakyang bangka sa isang cargo vessel sa Agutaya, Palawan.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nasa 20 na Filipinong mangingisda ang sakay sa FB JOT 18 nang bumangga sa MV Happy Hiro na isang cargo vessel na may watawat na Marshall Island sa karagatan ng Maracanao Island sa Agutaya.
Nailigtas ang 13 mangingisda habang pinaghahanap ang walong iba pa.
Nakilala ang mga nakaligtas na sina Donde Petiero, 38; Roderico Mata, 31; Randy Mata, 36; Renie Espinosa, 38; Mario Quezon, 24; Sammuel Ducay, 40; Rendil Dela Peña, 42; Martin E. Flores Jr., 58; Jupiter Jbañiez, 38; Andring Pasicaran, 43; Jonel Mata, 30; Joemar Pahid, 32; at Arjay Barsaga, 26 anyos.
Dinala na ang mga 13 sa Lipata, Culasi, Antique at nilapatan ng lunas.
Patuloy naman ang ginagawang rescue operation ng MRRV 4406 BRP Suluan, Coast Guard Station Cuyo at Sub Station Agutay sa Iloilo para sa walong mangingisda na nawawala.