7 mangingisda nawawala, 13 nailigtas matapos magbanggaan ang bangka at cargo vessel sa Palawan

By Chona Yu May 29, 2022 - 02:43 PM

Pitong mangingisda ang naiulat na nawawala matapos bumangga ang sinasakyang bangka sa isang cargo vessel sa Agutaya, Palawan.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard,  nasa 20 na Filipinong mangingisda ang sakay  sa FB JOT 18  nang bumangga sa MV Happy Hiro na isang cargo vessel na may watawat na Marshall Island sa karagatan ng Maracanao Island sa Agutaya.

Nailigtas ang 13 mangingisda habang pinaghahanap ang walong iba pa.

Nakilala ang mga nakaligtas na sina Donde Petiero, 38;  Roderico Mata, 31; Randy Mata, 36; Renie Espinosa, 38; Mario Quezon, 24;  Sammuel Ducay, 40; Rendil Dela Peña, 42;  Martin E. Flores Jr., 58;  Jupiter Jbañiez, 38; Andring Pasicaran, 43; Jonel Mata, 30; Joemar Pahid, 32; at Arjay Barsaga, 26 anyos.

Dinala na ang mga 13 sa Lipata, Culasi, Antique at nilapatan ng lunas.

Patuloy naman ang ginagawang rescue operation ng MRRV 4406 BRP Suluan, Coast Guard Station Cuyo at Sub Station Agutay sa Iloilo para sa walong mangingisda na nawawala.

 

TAGS: 8 mangingisda, coast guard, nawawala, news, Palawan, Radyo Inquirer, 8 mangingisda, coast guard, nawawala, news, Palawan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.