Sara Duterte nakipag-ugnayan sa OVP at DepEd

Nakipag-ugnayan na ang kampo ni incoming Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President at Department of Education.

Ayon kay Liloan Mayor Christina Frasco, tagapag-salita ni Duterte, ito ay para maging maayos at komprehensibo ang transition.

Una nang sinabi ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Duterte ang mamumuno sa DepEd.

Samantala, inihahanda na ang San Pedro Square sa Davao City para sa inagurasyon ni Duterte sa Hunyo 19.

Read more...