DOH balak bumili ng bakuna kontra monkeypox

By Chona Yu May 28, 2022 - 10:45 AM

Reuters photo

 

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) na bumili ng mga bakuna kontra monkeypox.

Pahayag ito ng DOH sa gitna ng pagdami ng mga bansang tinatamaan ng monkeypox.

Ayon sa DOH, wala sa national immunization program ngayon ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra monkeypox.

Sinabi pa ng DOH na bagama’t wala pang kaso ng monkeypox sa bansa, mas makabubuti na ang maging handa sakaling magkaroon ng outbreak.

Una nang sinabi ng World Health Organization na may mga bakuna nang ginagawa ngayon bilang panlaban sa monkeypox.

Pero sa ngayon, iisa pa lamang ang naaprubahan ng WHO.

 

TAGS: bakuna, doh, monkeypox, news, Radyo Inquirer, bakuna, doh, monkeypox, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.