Riper at Ka Rex back to back derby champion

May 28, 2022 - 07:43 AM
Shinapol ng Riper/ Sabong On Air ang  pangalawang sunod na kampeonato matapos sikwatin ang korona sa katatapos na HAGIBIS TV 4-Cock Derby na ginanap sa RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna.
Ang Riper/ Sabong On Air ay combined entry nina Ka Rex Cayanong at Richard Perez,  nakapagtala ito ng perfect four points matapos pupugin ng kanilang pambatong warriors ang entries na Gallmantis, Horizon, Team Tabuk Butchoy at B- Swing  Daragasa.
Unang pinagkampeonan ng Riper/Sabong On Air ay ang WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum at muling kuminang noong Huwebes kung saan binitawan sa isa sa mga magagandang sabungan sa Laguna, ang RIPER Sports Mega Cockpit ito’y dahil sa mga VIPs na malalamig at komportableng cock houses.
Aliw na aliw ang mga backyard breeders na sumali ramdam nilang para silang bigtime dahil sa pasilidad na nakikita sa loob ng RIPER Sports Cockpit.
Naging susi rin sa tagumpay ng Riper/Sabong On Airay ang magandang paghahanda nina Jun Robio (handler) at Ian Avila (assistant), habang si Jimboy Simbahan ang Staff Ripers Sports.
Samantala, sa susunod na buwan June 16,  ilalarga naman ang 6-Cock Derby Sabong On Air na bibitawan din sa ruweda ng RIPER Sports Cockpit.
Inaasahang dadagsain ng mga tigasing breeder at sabungero ang pa derby ni Cayanong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]