Party-list coalition, sinelyuhan na ang suporta sa speakership ni incoming Rep. Alvarez
Pumirma na sa covenant of support ang mga party-list Congressmen para sa Duterte administration at speakership ni incoming Rep. Pantaleon Alvarez.
Ito ay bilang pakikiisa at pagbibigay suporta sa bagong pamunuan ng Mababang Kapulungan sa pagpasok ng 17th Congress.
Nasa 35 na mga partylist congressmen sa pangunguna 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero ang lumagda sa covenant of support para kay Alvarez.
Ang mga partylist na nagpahayag ng suporta sa coalition for change ni Alvarez ay ang—1Pacman, 1CARE, AANGAT TAYO, ABS, AGBIAG, AMIN, A-TEACHER, BUTIL, KABAYAN, MANILA TEACHERS, TUCP, AKO BICOL, AT 1-SAGIP.
Kasama na rin ang iba pang party-list kabilang ang AASENSO, ACTS-OFW, AGRI, ANG KABUHAYAN, BH, CIBAC, KALINGA, MATA, YACAP, 1-ANG EDUKASYON, AAMBIS-OWWA, ABANG LINGKOD, AGAP, AKBAYAN, ANGKLA, BUHAY, COOP-NATCO, KUSUGTAUSUG AT PBA.
Bukod dito ay nanumpa na rin ang hindi bababa sa anim na mga kongresista bilang bagong myembro ng PDP-Laban sina Reps. Sandoval, Tolentino, Loyola, Suansing, Malapitan, at Crisologo.
Kasabay ng paghahayag ng suporta ng mga party-list representatives sa incoming Duterte administration, nagpasalamat si Alvarez sa mga mambabatas sa pagsusulong ng tunay na pagbabago at piniling sumama sa coalition for change.
Ayon kay Alvarez, ang mga objective ng administrasyon ni Duterte ay baguhin ang bansa, ibalik ang kaayusan, wakasan ang insurgency o rebellion, at ibalik ang kapayapaan.
Dagdag pa nito, tiyak na kasunod ng pagbabago ay ang tuloy-tuloy na progreso ng bansa at ang magbebenepisyo dito ay ang sambayanang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.