Bodega sa Valenzuela City ni-raid; Smuggled goods nasamsam ng BOC, AFP

By Jan Escosio May 27, 2022 - 02:44 PM

BOC photo

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang bodega sa Valenzuela City.

Base sa Missiion Order na inisyu ni Customs Commissioner Rey Guerrero, nagsagawa ng inspeksyon sa bodega.

Nadiskubre sa loob ang imported motorcycle scooters, Christmas decors, resins, granite tiles at iba pa na tinatayang nasa P68 milyon ang halaga.

Nabatid na nabigo ang may-ari ng bodega na magpakita ng anumang dokumento na magpapatunay sana na legal ang importasyon ng mga naturang gamit.

Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kaso base sa Customs Modernization at Tariff Act.

TAGS: Bureau of Customs, InquirerNews, RadyoInquirerNews, smuggled goods, Bureau of Customs, InquirerNews, RadyoInquirerNews, smuggled goods

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.