Halos 2-M doses ng COVID-19 vaccines, mapapaso sa Hunyo

By Chona Yu May 27, 2022 - 02:11 PM

Reuters photo

Aabot sa dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang mag-eexpire sa katapusan ng Hunyo.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na masasayang ang mga bakuna kapag hindi nagamit bago ang Hunyo 30.

Pero ayon kay Cabotaje, hindi pa pinal ang naturang bilang.

Nagsumite na aniya ang Department of Health (DOH) ng demand forecast para sa 34 milyong doses ng bakuna.

Kabilang sa mga brand na malapit nang mag-expire ang Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer.

TAGS: COVIDmonitoring, COVIDvaccination, COVIDvaccine, doh, InquirerNews, Myrna Cabotaje, RadyoInquirerNews, COVIDmonitoring, COVIDvaccination, COVIDvaccine, doh, InquirerNews, Myrna Cabotaje, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.