MRT-3, muling nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng commuters noong Mayo 26

Patuloy na dumarami ang mga pasaherong naseserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa datos ng pamunuan ng MRT-3, umabot sa 353,553 na pasahero ang naserbisyuhan sa linya ng tren noong Huwebes, Mayo 26.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong buwan ng Hunyo noong 2020.

Malaking tulong dito ang handog na libreng sakay program at pagpapatakbo ng 14 hanggang 16 na 3-car CKD train set, at apat na 4-car CKD train set sa mainline.

Pinalawig ang libreng sakay program sa MRT-3 hanggang Hunyo 30.

Tiniyak din ng pamunuan ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

Read more...