Regional MARPOLEX 2022, naging matagumpay

By Angellic Jordan May 27, 2022 - 01:40 PM

PCG photo

Naging matagumpay ang isinagawang Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 ng Philippine Coast Guard (PCG), Japan Coast Guard (JCG), at Directorate General for Sea Transportation (DGST) ng Indonesia sa Makassar.

Sa closing ceremony sa araw ng Biyernes, Mayo 27, pinasalamatan ni Makassar Mayor Petahana Danny Pomanto ang PCG at JCG sa pakikiisa sa DGST upang maitaguyod ang marine environmental protection.

Malaking tulong aniya ang nasabing joint maritime exercise para matiyak na maiiwasan ang insidente ng oil spill at maibibigay ng DGST ang serbisyong kinakailangan ng Makassar, na malapit sa Sulawesi Archipelagic Sea Lane, isang major sea lane para sa national at international shipping operations.

Naging sentro sa seremonya ang pagbababa ng mga watawat ng Pilipinas, Indonesia, at Japan.

Matapos ito, pumirma sa “joint declaration for the temination of the exercise” ang Exercise Co-Directors na sina CG Rear Admiral Robert Patrimonio (PCG), Captain Weku Frederik Karuntu (DGST Indonesia), at Rear Admiral Hashimoto Masanori (JCG).

PCG photo

Samantala, binati naman ni CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan ang mga crew ng Coast Guard vessels na nakibahagi sa naturang misyon.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MARPOLEX 2022, PCG, RadyoInquirerNews, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MARPOLEX 2022, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.