Global COVID-19 deaths, umabot na sa 6.30 milyon

By Angellic Jordan May 27, 2022 - 01:18 PM

AFP photo

Lagpas 6.30 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,307,857 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,030,775.

Sumunod na rito ang Brazil na may 666,248 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 524,539 naman ang death toll sa India habang 378,700 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 324,768
– Peru – 213,145
– United Kingdom – 178,313
– Italy – 166,358
– Indonesia – 156,556
– France – 148,084
– Iran – 141,296

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 530,350,724 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 500,832,451 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.