Higit 800 informal sector workers nakatanggap ng P20-M ayuda

By Jan Escosio May 27, 2022 - 12:26 PM

Tumanggap ng may P20 milyong halaga ng ibat-ibang uri ng tulong ang mahigit 800 informal sector workers sa Metro Manila.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga benepisaryo ng kanilang Integrated Livelihood Program ay nabigyan ng bisikleta, loading business, bigasan package, frozen goods, home care products, Negosyo sa Kariton at bangka.

Aniya ang mga ayuda ay bahagi ng pagsusumikap ng gobyerno na maibangon ang ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ay public utility vehicle drivers, ambulant vendors, mangingisda, PWDs at iba pa.

Samantala, P5,370 naman ang tinanggap ng bawat isa na nakasama sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) Program.

Sila ang nabigyan ng trabaho ng 10 araw.

TAGS: Labor, news, Radyo Inquirer, Silvestre Bello III, Labor, news, Radyo Inquirer, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.