Kawalan ng merito ang dahilan kayat ibinasura ng isang korte sa Muntinlupa City ang kasong indirect contempt na isinampa laban kay Senator Leila de Lima at sa kanyang abogado, si Filibon Tacardon.
Ang 32-pahinang desisyon ni Judge Gener Gito, ng Muntinlupa RTC Branch 206, ay may petsang Mayo 2 ngayon taon.
Magugunita na isinampa ang kaso ng mga prosecutors ng Department of Justice bunsod ng interview ng media kay Tacardon kaugnay sa itinatakbo ng drug cases ng senadora.
Ayon sa korte, ipinapalagay na awtorisado ni de Lima si Tacardon na magbigay ng pahayag.
May kaugnayan ang mga naging pahayag ni Tacardon sa pagpapalit sa kasong ‘conspiracy to commit illegal trading’ mula sa unang isinampang kasong illegal drug trading laban kay de Lima.
Noong Pebrero 2021, ibinasura na ng korte ang isa sa mga tatlong kasong isinampa laban sa senadora.