Dengue outbreak, idineklara sa Zamboanga City

By Chona Yu May 27, 2022 - 11:43 AM

Nagdeklara na ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ng dengue outbreak.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ito ay dahil sa dami ng mga tinamaan ng sakit na dengue.

Base sa talaan ng Zamboanga City Health office, nasa 2,026 na kaso ng dengue ang naitala simula Enero 1 hanggang Mayo 14, 2022.

Sa naturang bilang, 19 katao ang nasawi.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naitalang kabuuang kaso ng dengue ay mas mataas ng 1,793 percent kumpara sa 107 na kaso na naitala oong 2021.

Nagsagawa na ng anti-dengue campaign ang mga opisyal ng barangay para linisin ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

TAGS: dengue outbreak, news, Radyo Inquirer, Zamboanga, dengue outbreak, news, Radyo Inquirer, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.