Drilon inilatag ang apat na isyu para kay PBBM

By Jan Escosio May 27, 2022 - 10:08 AM

Kuha ni Richard Garcia/Radyo Inquirer On-Line

Ibinigay ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang apat na mahahalagang isyu na kailangan unang harapin ni President-elect Bongbong Marcos Jr.

Binanggit ni Drilon ang kakulangan sa healthcare system sa bansa, ang ekonomiya na pinadapa ng pandemya, ang bumabagsak na sistema ng edukasyon at ang mahinang pagpapatupad ng mga batas.

“President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. should capitalize on the so-called ‘honeymoon period’ and exercise political will in the first 100 days of his presidency to address there four urgent issues that remain unresolved and define his legislative priorities,” ani Drilon.

Diin ni Drilon dapat ay maglatag ng pangmatagalang-solusyon ang administrasyong-BBM at isa na ang pagtatalaga ng mga may tunay na integridad sa Philhealth.

Sinabi nito na hindi na rin dapat maulit ang nangyaring ‘mismanagement’ sa pagtugon sa pandemya.

Ang suhesitiyon ni Drilon ay magkaroon ng joint executive-legislative educational commission dahil aniya ang problema sa sistemang pang-edukasyon sa bansa sa ngayon ay kinakailangan ng aksyon ng ehekutibo at lehislatura.

TAGS: BBM, Ferdinand Marcos Jr., Franklin Drilon, news, Radyo Inquirer, BBM, Ferdinand Marcos Jr., Franklin Drilon, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.