Hiniling ni Senate President Vicente Sotto III sa mga kapwa senador na suspindihin na ang resolusyon ukol sa pagsasagawa ng ‘hybrid’ sessions, committee hearings.
Ikinatuwiran ni Sotto na maging ang mga bata ay nakakalabas na ng bahay kayat wala siyang nakikitang dahilan para ipagpatuloy pa nila ang session, meetings at hearings sa pamamagitan ng teleconference, video conference at ibang ‘electronic means.’
Paalala pa nito nakasaad sa Rule 11 ng Senado, na maaring makapagsagawa ng teleconference kung may ‘emergency,’ ngunit ayon kay Sotto hindi na niya nakikita na ‘emergency’ ang kasalukuyang sitwasyon.
Diin niya dapat ay maipakita nila na nagta-trabaho ang mga ibinotong senador ng bansa.
Sinegundahan naman ito ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri at binanggit pa niya na sa susunod na buwan ay babalik na sa ‘face-to-face classes’ ang kanyang mga anak.