Dalagita, 15, pumalag sa kidnaper, suspek timbog

By Jan Escosio May 27, 2022 - 09:56 AM

Mahaharap sa patong-patong na kaso ang isang lalaki sa pagtatangka nito na dukutin ang isang 10-anyos na batang babae sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si Leonard Alfaro, 33, na nakumpiskahan ng Magnum 357 revolver at isang Granada.

Sa salaysay ng biktima, nangyari ang tangkang pagdukot sa kanya sa M. Alvarez Ave., sa Barangay Talon 3 alas-9 ng gabi.

Aniya bigla na lamang siyang hinatak ng isa sa mga suspek at pilit na isinakay sa isang sasakyan, ngunit nakawala siya nang manlaban.

Agad siyang nagsumbong sa kanyang ama, na humingi naman ng tulong sa mga awtoridad.

Naaresto si Alfaro sa follow-up operation na isinagawa ng Women and Children Protection Unit ng Las Piñas City Police.

TAGS: Kidnapping, Las Piñas City, Leonard Alfaro, news, Radyo Inquirer, Kidnapping, Las Piñas City, Leonard Alfaro, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.