Indiscriminate Firing Bill lumusot na sa Senado

By Jan Escosio May 27, 2022 - 09:53 AM

Dalawamput isang senador ang pumabor at walang kumontra kayat nakalusot na sa Senado ang Senate Bill No. 2501 o ang ‘Act Penalizing Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms.

Layon ng panukala na maamyendahan ang Revised Penal Code(RPC).

Sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa, ang sponsor ng panukala, sa kabila ng mga probisyon sa RPC, mistulang hindi natatakot ang mga walang habas na nagpapaputok ng baril.

Ito aniya ang dahilan kayat nais ng mga senador na pabigatin pa ang parusa sa mga mapapatunayan lumabag sa batas.

Nakasaad sa batas na mahaharap sa aresto mayor ang mga mapapatunayang lumabag.

Agad din babawiin ang lisensiya o permit ng may-ari ng baril at hindi na sila bibigyan hanggang sila ay nabubuhay.

Binanggit pa ni dela Rosa na mula 2016 hanggang 2021, nakapagtala ang PNP ng 195 kaso ng indiscriminate firing  at s amga lumabag, 18 ang pulis at walo naman ay sundalo.

TAGS: indiscriminate firing, news, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, indiscriminate firing, news, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.