Naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga 55 winning party-list groups sa 2022 National and Local Elections.
Idinaos ang proclamation ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum 2 Tent sa Pasay City pasado 4:00, Huwebes ng hapon, Mayo 26.
Base sa NBOC Resolution 005-22 ng poll body, tanging ang ACT-CIS lamang ang nakakuha ng tatlong Congressional seats matapos makakuha ng 2,111,091 na boto.
Dalawang upuan naman sa Kamara ang nakuha ng limang party-list groups; 1-Rider (1,001,243 na boto), Tingog (886,959 na boto), 4Ps (848,237 na boto), Ako Bicol (816,445 na boto), at SAGIP (780,456 na boto).
Nasa 49 party-list groups naman ang nakakuha ng tig-isang puwesto kabilang ang mga sumusunod:
– Ang Probinsyano
– Uswag Ilonggo
– Tutok to Win
– Cibac
– Senior Citizen Partylist
– Duterte Youth
– Agimat
– Kabataan
– Angat
– Marino
– Ako Bisaya
– Probinsyano Ako
– LGMA
– API
– Gabriela
– CWS
– AGRI
– P3PWD
– Ako Ilocano Ako
– Kusug Tausug
– An Waray
– Kalinga
– AGAP
– COOP NATCO
– Malasakit@Bayanihan
– BHW
– GP Party
– BH
– ACT Teachers
– TGP
– Bicol Saro
– Dumper PTDA
– Pinuno
– Abang Lingkod
– PBA
– OFW
– Abono
– Anakalusugan
– Kabayan
– Magsasaka
– 1-Pacman
– APEC
– Pusong Pinoy
– TUCP
– Patrol
– Manila Teachers
– AAMBIS-OWA
– PHILRECA
– ALONA
Karamihan sa mga nanalong party-list group ay may mga representante na bahagi ng 18th Congress.
Binati naman ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang mga nanalong party-list group at representante nito.
Binati rin nito ang publiko para sa pakikiisa sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa na tutulong upang maiangat ang buhay ng mga mamamayang Pilipino.
“It is my hope that the voices of the voters ring clearer in the officials and representatives they voted from the President down to the members of local councils,” pahayag ni Pangarungan.
Dagdag nito, “I pray for discernment and guidance for all of our elected leaders.”