Mga provincial election supervisor sa ilang lugar sa bansa, pinagpapaliwanag ng Comelec

By Chona Yu May 26, 2022 - 04:24 PM

Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang mga provincial election supervisor sa Pampanga, Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Sulu at Cagayan, Mandaluyong at Manila

Ito ay matapos mabatid na walang laman ang ballot boxes na isinumite sa Kongreso na tumayong National Board of Canvassers.

Isang urgent memorandum ang ipinadala ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa mga nabanggit na provincial election supervisor.

Pinagpapaliwanag ni Pangarungan ang mga provincial election supervisor sa loob ng 48 oras.

Nais malaman ni Pangarungan kung bakit hindi sila dapat patawan ng disciplinary action.

Matatandaang sa canvassing ng Joint Congress para sa presidente at bise presidente, wala ang certificate of canvass (COC) sa loob ng selyadong ballot box mula sa mga nasabing lalawigan.

Sinabi naman ni Comelec Deputy Executive Director for Administration Helen Aguila Flores na ang paliwanag sa kanila ng mga PES ay hindi sinasadya ang pagkakamali dala na rin daw ng pagod at puyat.

TAGS: #VotePH, 2022elections, COC, comelec, InquirerNews, OurVoteOurFuture, provincial election supervisor, RadyoInquirerNews, Saidamen Pangarungan, #VotePH, 2022elections, COC, comelec, InquirerNews, OurVoteOurFuture, provincial election supervisor, RadyoInquirerNews, Saidamen Pangarungan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.