Hirit na magpatupad ng bagong buwis, ipinauubaya ng Palasyo sa susunod na administrasyon

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa susunod na administrasyon ang pagpapasya sa hirit na magpatupad ng bagong buwis at tanggalin ang personal tax reductions.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, bahala na si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpasya sa hirit ng Department of Finance (DOF).

“Imposing new taxes, deferring personal income tax reductions and repealing some tax exemptions are some of the proposals of the Department of Finance to the incoming Marcos Administration to raise the much-needed government revenues,” pahayag ni Andanar.

Tiyak aniyang pag-aaralang mabuti ng susunod na administrasyon ang pagbubuwis.

“However, we leave this matter, and other ways to mobilize resources, to the wisdom of the President-elect’s Economic Team,” pahayag ni Andanar.

Read more...