‘Midnight import deal’ ng galunggong, sardinas sa DA nasilip ni Sen. Imee Marcos

Kuha ni Ricky Brozas

Ibinunyag ni Senator Imee Marcos ang nadiskubre na sa kanyang paniniwala ay isa na naming ‘midnight deal’ sa Department of Agriculture (DA) habang nakatuon ang atensyon ng bansa sa pagbibilang ng mga boto sa presidential at vice presidential races.

Sinabi ni Marcos pinirmahan noong nakaraang Lunes ni Sec. William Dar tonelada ng mga ‘pelagic fish,’ tulad ng galunggong, sardinas at mackerel.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs ang iaangkat na isda ay ipagbibili sa mga palengke.

Kuwestiyonable aniya ang utos ni Dar dahil tapos na ang ‘close season’ sa pangingisda nangangahulugan na maari nang mangisda muli.

Sabi pa ng senadora, hindi sinangguni ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council na dapat ay isinagawa alinsunod sa Section 61-C ng Fisheries Code.

Pagdidiin ni Marcos walang basehan ang katuwiran ng DA na may kakulangan sa suplay ng mga isda sa bansa kayat kinakailangan na mag-angkat.

Read more...