Bunga ng mga naging aberya noong nakaraang eleksyon, maglalabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng P20 milyon para sa karagdagang bayad sa mga miyembro ng electoral boards (EBs).
Ang karagdagang bayad ay para sa pag-overtime ng mga nagsilbi sa EBs.
Sinabi ni Comelec Comm. George Garcia naaprubahan ang karagdagang P2,000 honoraria sa mga nag-duty lagpas ng alas-7 ng gabi dahil sa mga aberya sa vote counting machines (VCMs) at SD cards.
Nalaman nila aniya na 2,038 polling precints ang naapektuhan ng mga aberya sa VCMs at SD cards at inaalam pa nila kung may mga presinto pang nakaranas ng mga katulad na aberya.
Nabatid na bukas, Mayo 27, sisimulan na ang pamamahagi ng karagdagang bayad.
MOST READ
LATEST STORIES