Banggaan ng DOLE, DMW Sec. Mama-o nagpapatuloy

By Jan Escosio May 26, 2022 - 07:59 AM

Inutusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na balewalain ang panibagong utos ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Abdullah Mama-o.

Ayon kay Bello walang magiging pagbabago sa mga responsibilidad ng mga opisyal at kawani ng POEA kasunod nang pagbalasa ni Mama-o sa 16 opisyal ng ahensiya.

Sa memorandum ni Bello kay POEA Administrator Bernard Olalia, mananatili ang ‘status quo’ sa pagtatrabaho ng mga opisyal at kawani ng POEA.

Katuwiran ng kalihim hindi pa ‘fully constituted’ ang DMW.

Sinabi pa ni Bello na ang inilabas na Administrative Order No. 56 Series of 2022 ni Mama-o ay paglabag sa kautusan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, gayundin sa inilabas na opinyon ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Samantala, iginiit din nito na ang lahat ng mga opisyal at kawani ng POEA ay mananatili sa ilalim ng pangangasiwa ng DOLE.

Una nang nagbanggaan sina Bello at Mama-o nang ipag-utos ng huli ang pagbawi sa ‘deployment ban’ ng mga manggagawang Filipino sa Saudi Arabia, na kinontra ng una.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.