NCR, nakapagtala ng 66 bagong kaso ng COVID-19

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa apat na lugar sa National Capital Region (NCR).

Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na kabilang dito sa Marikina, Malabon, San Juan, at Pateros.

Umabot sa 66 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila noong Miyerkules, Mayo 25.

Sa nasabing bilang, 14 bagong COVID-19 cases ang naitala sa Quezon City; 10 sa Parañaque, siyam sa Maynila, pito sa Makati, habang tig-anim sa Caloocan, at Pasay City.

Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Las Piñas (4)
– City of Mandaluyong (3)
– Pasig City (3)
– City of Valenzuela (2)
– City of Navotas (1)
– City of Muntinlupa (1)
– Taguig City (1)

Read more...