Bilang ng naserbisyuhan ng Service Contracting Program Phase 3, higit 61-M na
Umabot na sa 61,358,649 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng Service Contracting Program Phase 3 simula noong Abril 11 hanggang Mayo 23, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Umaarangkada ang naturang programa sa NCR-EDSA Busway Carousel, Region 1, Region 2, Region 3, Region 4-A, Region 4-B, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, Region 13 – Caraga, NCR, at CAR.
Nagbukas din ng rutang PITX-NLET at Cubao-NLET para sa mga pasaherong patungo at paluwas ng Metro Manila mula Region 1, Region 2, Region 3 at CAR.
Ayon pa sa LTFRB, inaasahan na rin ang pagbubukas ng mga karagdagan pang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang PUV unit para sa Libreng Sakay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.