Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa World Health Organization (WHO) na isama ang Taiwan sa global pandemic response plan nito.
Ikinatuwiran ni Hontiveros ang hindi pagsama ng WHO sa Taiwan ay magdudulot ng ‘butas’ sa pagtugon sa pandemya dulot ng COVID 19.
“Nakakabahala na hindi pa rin kasali ang Taiwan sa mga plano ng WHO para sa paglaban natin sa pandemya. Sari-saring mga eksperto na ang nagsabi na kailangang inclusive ang paglaban natin sa pandemya,” aniya.
Sumulat na si Hontiveros kay WHO Dir. General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus at ibinahagi ang kanyang mga pangamba kaugnay sa Taiwan.
Ang hindi pagkakasama ng Taiwan ay bunga ng pagkontra ng China sa katuwiran na probinsiya lamang nila ang Taiwan kayat inirespeto ng WHO ang ‘One China’ policy.
Hiniling din ni Hontiveros na maimbitahan ang Taiwan sa 75th World Health Assembly sa Geneva, Switzerland na ginaganap sa Geneva, Switzerland hanggang sa Sabado, Mayo 28.