Libreng sakay sa MRT-3, muling pinalawig; Extended hanggang Hunyo 30

By Angellic Jordan May 25, 2022 - 01:08 PM

DOTr photo

Sa ikalawang pagkakataon, pinalawig ang ipinatutupad na libreng sakay sa Metro Rail Transit Line (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), makakalibre pa rin sa pamasahe ang mga pasahero sa buong operating hours ng tren simula 4:40 ng madaling-araw hanggang 10:10 ng gabi.

Paliwanag ng kagawaran, sa pangunguna ni Secretary Art Tugade at ng pamunuan ng MRT-3, layoj nitong makatulong sa mga mamamayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at krudo.

Layon din nito na mas marami pang Filipino ang makinabang sa nasabing linya matapos ang matagumpay na rehabilitasyon.

Matatandaang nagsimula ang naturang programa noong Marso 28.

TAGS: DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, mrt3, RadyoInquirerNews, DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, mrt3, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.