Pagharap sa CA ng Comelec, COA at CSC officials naunsyami

By Jan Escosio May 25, 2022 - 01:01 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang deliberasyon para sa ad interim appointments ng matataas na opisyal ng Commission on Elections (COMELEC), gayundin ng mga namumuno sa Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC).

Binanggit ni House Asst. Majority Leader Gavini Pancho na may mga liham sa komite sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Panfilo Lacson at hinihiling na ipagpaliban ang panel meeting.

Ikinatuwiran ng dalawang senador ang pagkakabuo ng National Board of Canvassers ng mga miyembro ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa pagbibilang ng mga boto sa ginanap na presidential at vice presidentialraces.

Nabatid na maging si committee Vice Chairman Ronaldo Zamora ay sinabi na nagkasundo ang mga kongresista na miyembro ng komite ay nagkasundo na ipagpaliban ang deliberasyon.

Dahil wala naman kumontra, inaprubahan ni Sen. Cynthia Villar ang mosyon ni Pancho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.