DFA hinihintay ang hiling ng OFWs sa Sri Lanka na makabalik ng Pilipinas
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghihintay na lamang sila ng hiling ng mga Filipino sa Sri Lanka na makabalik ng Pilipinas kasabay ng nararanasang krisis sa ekonomiya sa nabanggit na bansa.
Ayon sa pahayag ng DFA, wala pang Filipino sa Sri Lanka ang nagsumite ng kanilang repatriation request para makauwi ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kagawaran na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Colombo, gayundin sa mga komunidad ng mga Filipino sa Sri Lanka.
“The DFA, through the Philippine Embassy in Dhaka, is in touch with the Philippine Honorary Consulate in Colombo and Filipino community leaders in Sri Lanka regarding the current situation of OFWs in the country amid the economic crisis,” sabi pa ng DFA.
Nabatid din na patuloy naman na nakakapag-trabaho ang mga manggagawang Filipino sa Sri Lanka sa kabila ng krisis sa ekonomiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.