Sen. Bong Go: Pangulong Duterte malabo sa proklamasyon ng BBM-Sara Uniteam

By Jan Escosio May 25, 2022 - 10:06 AM

Hindi nakaugalian ni Pangulong Duterte na dumalo sa mga proklamasyon kayat malaki ang posibilidad na hindi ito magtutungo sa Kamara para sa inaasahang proklamasyon nina Bongbong Marcos Jr., at Sara Duterte bilang bagong presidente at bise presidente ng bansa.

Ito ang naibahagi ni Sen. Christopher Go at aniya simula nang manungkulan si Pangulong Duterte ay hindi ito dumadalo sa mga proklamasyon.

Aniya kahit noong nanalo ito noong 2016 ay hindi ito dumalo sa kanyang proklamasyon.

Maging nang manalo ito ng ilang ulit bilang alkalde ng lungsod ng Davao.

Dagdag ng senador, sa mga panunumpa lamang dumadalo ang Punong Ehekutibo.

Ngunit, diin ni Go, hindi naman imposible na magbago ang isip ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.