18 bata, 3 pa patay sa ‘Texas School Massacre’

By Jan Escosio May 25, 2022 - 08:46 AM

Nagpa-ulan ng bala ang isang 18-anyos na lalaki sa isang elementary school sa South Texas na nagresulta sa pagkamatay ng 14 batang mag-aaral at isang guro.

Sinabi ni Texas Gov. Greg Abbott napatay naman ng mga pulis si Salvador Ramos.

Dalawang pulis naman ang nasugatan at ipinapalagay na makakaligtas ang ito sa mga tinamong tama ng bala.

Samantala, isang 66-anyos at 10-anyos, kapwa babae, ang nasa kritikal na kondisyon sa University Hospital sa San Antonio.

Ang matandang babaeng sugatan, ayon sa mga ulat, ay lola ni Ramos at ito naunang binaril bago nagtungo ang huli sa eskuwelahan.

Base sa paunang impormasyon, pumasok si Ramos sa Robb Elementary School sa Uvalde, sakay ng sasakyan at bigla na lamang namaril gamit ang isang rifle at isang handgun.

Nabatid na ang mga biktima ay nasa second, third at fourth grades.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.