VP Leni, Mayor Isko tanggap na ang resulta ng eleksyon

By Jan Escosio May 25, 2022 - 08:00 AM

Tanggap na ni Vice President Leni Robredo ang naging resulta ng nakalipas na eleksyon, ayon  sa kanyang abogado.

Sa pag-upo ng mga miyembro ng dalawang Kapulungan ng Kongreso bilang National Board of Canvassers, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, na hindi magiging hadlang si Robredo sa proklamasyon ng mga nanalo sa presidential at vice presidential races.

“Habang lumilinaw na ang litrato. Kailangan natin simulang tanggapin na hindi ayon sa mga pangarap nayin ang resulta ng eleksyon,” sabi ni Macalintal.

Samantala, pinapurihan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sina Robredo at Manila Mayor Isko Moreno sa pagtanggap sa resulta ng eleksyon.

Aniya mapapabilis na ang pagbibilang ng mga boto.

“We thank their graciousness as well as their patriotism in this time where we need the nation to heal from the very emotionally-charged election of 2022,” dagdag pa ni Zubiri.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.