Tatlong close contact sa unang BA.4 case sa bansa, natukoy na

Screengrab from DOH’s Facebook live

Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang tatlong close contacts sa unang naitalang kaso ng Omicron subvariant BA.4 sa Pilipinas.

Isang returning overseas Filipino (ROF), na nagmula sa Qatar at South Africa, ang unang kaso ng BA.4 sa bansa.

Sa press briefing, sinabi ni Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na nakumpleto na ng ROF ang 14 araw na isolation bago nakasalamuha ang tatlong close contacts.

Lahat aniya ng household contacts ay asymptomatic at fully vaccinated laban sa nakahaharang sakit.

Sa ngayon, sinabi ni de Guzman na bineberipika pa ang testing status ng tatlong close contacts.

Ani de Guzman, ikinokonsidera ang BA.4 subvariant bilang ‘variant of concern’ ng European Center for Disease Prevention and Control dahil sa mas mataas na transmissibility at posibleng pag-iwas sa immune protection.

“Gayunpaman, wala pang patunay na ang variant na ito ay nakapagdudulot ng mas malalang sintomas,” paliwanag nito.

Read more...